Wikang Filipino biyaya ng kalikasan
Kaloob ng langit gabay ng karamihan,
Dulot nito'y lakas at kahinaan
Marapat lamang na gamitin sa kabutihan.
Po at Opo ang gamit ko,
Iyan ang turo ng ama't ina ko
Halaw sa alfabetong Filipino
Sagisag ng pagiging makatao.
Wika'y instrumento ng komunikasyon,
Tulay sa pagtamo ng mayamang edukasyon
Sangkap ng bansang matibay ang pundasyon,
Lumipas man ang mahabang panahon.
Kapayapaa'y makakamit
Kung sariling wika ang parating sambit,
Buka ng bibig, galaw ng mga labi'y kadikit;
Mababanaag luwalhati ng langit!
Paano ba ang maging makabansa,
Sapat na nga ba pagmamahal sa wika?
Wika natin ay isadiwa at huwag itatwa
Nang hindi matulad sa malansang isda.
Wikang Filipino sa daang matuwid
Tulad ng lubid huwag hayaang mapatid,
Kamay sa dibdib, mata sa himpapawid
Halaga ng wika atin nang ipabatid!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento