![]() |
Malalamig na tagpo sa hatinggabing napagsakluban ng dilim ang aking mga panaginip. Tanging ilaw ng gasera ang nagsilbing tanod ko sa bawat pag-idlip. Ang kumot kong hapit na hapit ang nagbigay ng kakaibang init sa nanlalamig kong mga binti.
Nang ako ay nagising, dalidali akong bumangon. Nag-isip at tumingin sa itaas ng kalawakan.
Malalalim na buntong hininga ang aking pinakawalan kasabay niyon ang pagwika ng "Nakalulungkot isiping ako'y nag-iisa na lamang. heto nga't tahimik ngunit parang may kulang."
May kung anong liwanag ang humaplos sa aking buong katawan. Kasabay niyon ang malamyos na tinig na galing sa kung saan man.
"Tumingin ka sa kalangitan, ako ang Buwan, ang iyong kaibigan. at matagal na kitang pinagmamasdan kasama ng mga bituing nagkikislapan."
"Nakapagsasalita ang Buwan?" bulong ko sa aking isipan.
"Nakapagsasalita ka nga bang tunay?" tanong ko sa Buwan.
"Ako'y tunay sa iyong isipan." malalim nitong tinuran.
"Dinig ko mula rito ang iyong mga karaingan. Tibok ng iyong puso ay puno ng kabiguan." pagpapatu;loy nito.
"Tama ka kaibigan." ganting tugon ko naman.
"Nabubuhay akong lunod sa kabiguan. sinubukang lumaban ngunit laging talunan." malungkot kong paglalahad.
Muli itong nagsalita, "Ang buhay ay nababalot ng mga pagsubok. Hindi ka isang talunan!" madiin at maawtoridad nitong tinig.
"Hindi ka isang talunan dahil sinubukan mong lumaban. Ang mga taong talunan ay yaong mga taong takot sa kabiguan. mga taong duwag sa simula pa lamang! Ito ang iyong pakatandaan, ang tagumpay ay hindi nakakamit nang mabilisan, ito'y pinagpapawisan. Sa buhay hindi mahalaga kung ilang beses ka mang madapa at mabuwal, kundi kung ilang beses kang bumangon buhat sa iyong pagkakadapa at kung paano ka lumaban sa hamon ng buhay!"
"Salamat kaibigan." tanging sambit ko sa Buwan.
"Halika at bumangon ka!" utos sa akin ng Buwan.
"Halika't harapin ang mga pagsubok at bumangon ka sa matagal mo nang pagkakalugmok!"
Saglit na dumaan ang nakabibinging katahimikan. tanging mga huni ng insekto ang namayani sa kapaligiran. Malakas na hampas ng hangin buhat sa talahiban. At tunog na likha ng mga punong nagsasayawan.
Nang gabing iyon ay nakatagpop ako ng isang kaibigan, ng isang karamay.
Sunod sunod na tapik ang aking naramdaman. Alam kong mula iyon sa sa malapad at tila papel de lihang kamay ni itay.
"Anak, bumangon ka na, pasikat na ang araw!"
Bigla akong napamulagat dulot ng buo at matigas na tinig ng aking itay. Saglit akong nag-isip at tila naguluhan.
"Bilisan mo anak, anihan na ng palay." ang wika ni itay.
"Nariyan na Po." magalang na sagot ko naman.
Muli akong napaisip, "Nakapagtataka. . . panaginip lang pala." mahina kong turan.
Nang gabing iyon mga aral at kabiguan ang naging tanglaw ko sa kalangitan. Mga aral na sa bawat gabing puno ng pighati, may liwanag na sa akin ay kukubli. . . ang liwanag ng Buwan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento